Sana'y - A-Syan feat.Jin - Video
PUBLISHED:  Aug 21, 2013
DESCRIPTION:
Sana'y - Lyrics

Taktika intro: Yeheheiyeah... yeah... A-Syan...

Chorus:

Nangungulila na naman ako,
sayong mga yakap at haplos
Pag ibig ko sayo'y, 'di matatapos

Ang mundo ko, sa'yo, umikot
kelan may 'di mapapagod
Sana nga ikaw ay naririto

Taktika:

Ikaw ay nami-miss, hindi ko matiis
Ako'y naiinis cause I really miss your kiss
Everytime I look around I can see you, kahit na malayo
Ating pagitan nandito lang at nakatago

Ang pangako na ako ay 'di na magbabago
Kahit hindi sabihin alam kong matatanto
Na ikaw lang, ang tanging laman ng,
Puso't isip ko at kahit kailan di magagawang

Palitan ang mga alaala na, nabuo nating dal'wa
Hinihintay lang ang panahon na makapiling ka
Sa pagbabalik mahigpit ka na yayakapin
Bawat sandali ay hindi natin sasayangin

Frizta verse:

Kung nandito ka lang sana sa kasalukuyan
Hindi na sana ganito ang aking kalagayan
Boring walang gana pag di ka nasisilayan,
nakasimangot na laging galit ano ba yan!

Bakit ba ikaw? ang kinaadikan
hanggang sa panaginip ko, laging nasusulyapan,
at pagka nagising pilit kong binabalikan
dahil wala kong buhay pag hindi ka natatagpuan

At sayong pagdating, hindi pagsasawaan
na ikay yakapin halikan at alagaan
Hindi ko gagawin na ikay pabayaan,
ibibigay lahat wag mo lng akong bibitawan

Chorus:

Nangungulila na naman ako,
sayong mga yakap at haplos
Pag ibig ko sayo'y, 'di matatapos

Ang mundo ko, sa'yo, umikot
kelan may 'di mapapagod
Sana nga ikaw ay naririto

Jin:

sa bawat sulok ng tahanan
ang gunita mo ang aking naalaala
ayaw kong magisa.. pagkat hangarin kita,
walang pag-iral ang sintahan kung ikaw.. ang wala

masaganang pamumuhay
basta laging hawak mo, aking kamay
kaginhawaan mo.. dadamayan ka..
sa mga suliranin o ginhawa ng tadhana

ang sarili ko'y hindi na makapag-aliw,
nalulumbay kapag ang puso ay nababaliw
minimithi ko para s'atin dalawa,
sa buhay ko na makasama ka, ay sana...

Taktika: Kasama ka, sana !

Kape verse: Uhh, Yeah !

Kahit solitaryo't tumagal ang panahon
Nandun parin ang pagibig na sayo lang nakatuon,
Maging bukas o ngayon, o kahit ilang taon
ikaw parin ang syang tugon, kabuhayan at rason..

Sa lunos pag dumalaw aking lunas ay ikaw,
mapanglaw ang araw-araw dahil di ka matanaw
Pilit kong lihisan, ang mga luha na mababaw,
sana pagmamahal mo sa'kin ay hindi matunaw

malubha akong nagaabang sa iyong pagdating
nang kuminang ang araw na matagal na sa dilim
sana, madiligan mo ang pagkawalanglaman
nang mapuno muli ang aking buhay na purong kahungkagan

Chorus:

Nangungulila na naman ako,
sayong mga yakap at haplos
Pag ibig ko sayo'y, 'di matatapos

Ang mundo ko, sa'yo, umikot
kelan may 'di mapapagod
Sana nga ikaw ay naririto

Old chorus (2004):

Sana'y..
nandito ka..
Kapiling kita,
at lagi kang nakakasama

Sana'y..
hindi ka..
malayo sinta
Sana ay kayakap kita
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top