Dun ka nalang - NingNing ft KyD w/ Lyrics - Video
PUBLISHED:  Jul 06, 2009
DESCRIPTION:
Title: Dun Ka Nalang (Dito Ka Lang Parody)
Artist: NingNing ft. KyD
Lirikong Supremo Records
Yoga Fiyah Productions

.
.
.
Ning-Ning:

talagang nananadya ang panahon
at ano naman kaya ang rason nito ngayon
diba nga't nananahimik na ang buhay ko
bakit ba pilit mo kong sinusuyo?

una pa lang ay may kakaiba na ngang napansin
na tila ay kumukulit sa bintana namin
ang pagkalito ay binulong na lang sa hangin
di alam kung babatuhin ka ng saging

pero sa pag-kakataon na ito
hindi nag-bibiro ang aming mga aso
hindi rin nag-sisinungaling ang mga kapit bahay namin
gusto kana nilang sugurin

alam kong sakin ay meron kang nararamdaman
gawa narin ito ng maganda ko na katangian
malinaw naman na ayaw ko sayo na makipag-kaibigan
dahil sa napakarami mong mga ka-ibigan

di nga alam kung ba't naisip bakit di nalang subukang
lumayo dahil ayaw ko sayo
kaylangan mong matakot sa tatay kong may kampit
kung ayaw mong matapyas iyong labi, ha!

lumayo ka dahil ayaw kong ika'y masaktan
ngunit kung gugustuhin na makadama ng sakit
wag kang umalis ng ika'y mabura na ng tuluyan!

di ko naman kailangang mangamba, madami pang may kwenta
please tigilan na pag luha at wag ka ng umasa
dahil ayaw ko nga, marami ka pa diba?
magpapasalamat pa nga kung ito hatol ng tadhana

--------------------------------------------
KyD:

hinihiling sa dyos, wag ka sanang dumating
at ayaw kong sakin ka laging nakatingin
wag ka saking dumikit, wag ka sana pang
mag-pakita dahil ayaw kong makita ka't
nasasaktan ang puso ko sa katulad mo!

bakit wala kang utak at laging parang hilo?
bakit di ka lumayo sa piling ko?
ayokong sayangin lang sayo ang pag-ibig ko!

tatanggalin nalamang ang larawan mo
na iyong ibinigay kahit ayaw ko
basta mawala ka lang sa paningin ko
puso ko'y di na masasaktan at titibok

pumapatak mong luha, pwedeng pakipunasan
da-dramahan pa ko ka'y sarap mong batukan
alam ko na masakit ang sinabi ko,
pero uunahin ko pa rin ang damdamin ko, kesa sayo!



--------------------------------------------
Ning-Ning:

sugatan na nga dahil ayaw tumigil
ito'y maghihilom 'pag iniwan mo na (2x)

dun' ka na lang ..
Basta!! dun ka na lang ...
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top