Una't Huli - Ligtong Hoodz - Video
PUBLISHED:  Oct 03, 2011
DESCRIPTION:
NEW LYRICS :)


"Una't Huli" Lyrics


-----------------

Chorus:

Sa'yo ilalaan ang buhay ko
ilalaan ang buhay ko
susulitin na kasama ka
at kahit na ito't malabo
babaliktarin ko ang
ikot ng mundo at ang tadhana.
tuwing gigising
di maaaring
hahanapin ka nitong mga mata.
kaya takot akong mawala
kasi ikaw na nga ..
una at huling babaeng iibign ko.

-------------------------------
I

Hindi ko ito ginaya sa mga ibang awitin na
panay lamang nilalaman ay puro bola at isipan na
ng lahat na di ko magagawang maisakatuparan.
ang aking pinanghawakan sa'yo,na tayo'y magmamahalan.

Ikaw ang may hawak ng kaligayahan,may karapatan sa aking magpasaya.
nagpapasalamat sa ating amang lumikha,ng dahil sa itinakda.
pati narin dun sa lugar na kung saan unang nagkita.
at unang beses na magtama,mata sa mata,ito'y nagtama.

Animo'y naiwan ang iyong imahe sa aking isipan,maging ang tinig.
na naglalaro sa isip,matanong ko lang pag-ibig ba?
labis na pagkamangha,nakatutulala.
yan ang nasabi ko noon saking sarili na sana'y mapangiti kalang.

Munting pangarap ay napaganda.
naging maligaya sa akin,ikaw na nga.
itong napili ng,puso ng isang nilalang.
handang,protektahan ka,dahil ako pinagkalooban
ng isang babaeng tinatawag kong prisesa.


Repeat Chorus:

II

Masayang nandirito,kana sa piling ko.
ating lalabanan ang tukso,basta sa piling mo.
Huwag mong kalimutan na mayroong ikaw at ako upang makabuo ng salitang ito.
siyam na letra,salitang mahal kita,mahal na mahal

Nag-iisa kalang mahirap palitan,tandaang ikaw.
parang ligaw na bala na tumama,dating maginaw.
binalutan ng init ng iyong pagmamahal.
para bang apoy na sinindihan itong sulo,magtagal.

Pa sana at masundan pa,itong kwento tungkol sa.
dalawang magkasintahan na atin ng pinag-isa.
pnagtibay ng mahabang panahon.
na di nagsawang magmahalan at sayo ko lang itutuon.

Itong atensyon ko,oo nga sayong sayo
parang di masabing binobola ka,iyong iyo.
ako pati maging ang puso ko,akin ka ang puso mo.
at iingatan natin ang isa't - isa,walang iba.

Repeat Chorus:

III

Salamat nahanap nadin ang nawawalang kulang upang mabuo.
ang puso na di inalagaan ng mga nagsabi sa akin,nangako.
na di na mapapatakan pa ang lupa ng luhang nanggaling sa mga mata.
na mapapalitan ng ngiti at saya,pero salamat sa inyo.

Na dumating kayo,at napadaan upang ako'y saktan.
upang matutunan na maging matibay,patungo narin sa may daanan.
na kung saan ko nakilala,nagkakulitan nagkamabutihan ng loob.
at hindi narin nagtagal,naikwento narin ng buod.

Alam mo ba,naging malaking bahagi ka ng buhay ko.
at malaking kawalan rin sa buhay ko.
kulang at di kumpleto pag wala sa piling ko

May isa akong salita,di mangangako.
patutunayan ko sayo.
na ginagawa ko ang lahat ng ito
dahil sayo.

Repeat chorus (2X)
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top