Eleventh Hour - Na Makasama Mo - Video
PUBLISHED:  May 21, 2014
DESCRIPTION:
Facebook: http://facebook.com/11thHr
Twitter: http://twitter.com/11thHrBand

Music video by Eleventh Hour performing "Na Makasama Mo" from the album "Had Not the Lord been on Our Side".
(c) 2013 Final Hour Music Records.

STANZA
Patuloy na nagtataka
Kung paano ang ako'y Iyong nilikha
Ako'y hinubog Mo, ginawang kawangis Mo
At tinuring Mo na para sa Iyo

Hindi Mo hinayaang ako'y mawalan
Ibinigay ang higit pa sa kailangan
At kailanman hindi ko mahigitan
Kaya ito na lang
Ang tanging dalangin ko sayo
(Dalangin ko sa 'Yo)

CHORUS
Tulungan Mo ako oh Dios
Na ibigin Ka nang higit sa buhay ko
Tulungan Mo na talikuran ang ako
Maging karapatdapat na makasama Mo

STANZA
Mahirap mang bitawan ang mga nakasanayan
Naligaw ang puso palayo sa Iyo
Ngunit bakit ba mahirap italaga ang
Buhay na sa 'Yo naman nagmula?

CHORUS
Tulungan Mo ako O Dios
Na ibigin Ka nang higit sa buhay ko
Tulungan Mo na talikuran ang ako
Maging karapatdapat na makasama Mo

LAST CHORUS (OUTRO)
Tulungan Mo ako oh Dios
Ibigin ka nang higit sa buhay ko
Tulungan Mo ako oh Dios
Maging karapatdapat na makasama Mo
Na makasama Mo
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top