Rapido- Para Sa'tin(Official Music Video)ft. Mara Castro - Video
PUBLISHED:  Nov 23, 2013
DESCRIPTION:
PARA SA'TIN
Performed by Rapido Guerrero feat. Mara Castro

Directed by AJ Ejercito and CJ Sarmiento
Assistant Directors:Paolo Magsino and Kristian Tandog
Cinematographer: CJ Sarmiento
2nd Cam Unit: Paolo Magsino and Krizelle Marie Pari-ann
Editor:AJ Ejercito
Colorist:Kristian Tandog

Special Thanks to:
Jose Voltaire Ricafrente
Jhing Jhing Hernandez
Cola Flava Clothing
Gudvibes Clothing
Sarmiento Family

Cast
Mika Umali
CJ Sarmiento
Sofia Veronica Pabilonia

THANK YOU ALL FOR YOUR LOVE AND SUPPORT!

Para Sa'tin Lyrics

Sa harap ng saradong pintuan
Nakaupo malayo ang tanaw
Handa na ang mga tanong sa'yong pagdating
Napapadalas na ang pag-uwi mo ng gabi
Kinikimkim ko lang balot na balot na
Kumain ka na ba?
Mukhang pagod na pagod ka
Sabi ko kaya ko matitiis ko 'to
Ito na ba ang sinumpaang pagmamahal ko?

Chorus:
Nasa'n na ba ang pangako na sinabi mo?
May katuparan ba'ng lahat ng nais ko?
Maibabalik pa ba'ng pananabik na dapat sana sa'tin?
Nagkulang ba ako o sadyang meron ka na talagang iba?

Rap Verse1:
Akda ng pagsasama natin, binalot ko sa ginto
Laman ay pagkukunwari bawat pahina ng libro
Ngunit bakit pagkalito'y sa mukha ko nakabakas
Napahinto sa pagsulat kahit ayoko ng wakas
Mga katwiran mong mali tinatanggap kong tama
Wag lang mangyaring nakatalikod ka sa'kin sa kama
Kung ako ay lalayo, di mo na kinakatakutan
Sinusumbat mo sa'kin bawat konting pagkukulang
Iiwanan ang banta kapag ikaw ang gumawa
Dobleng sakit ipaparanas, ganun ba akong kasama?
Kusang tumaob ang pag-asa ko wala nang lunas
Huwag ka magdabog, lilipas din ang pagdududa bukas
Muling kakatok, alam ko na darating ang oras
Utang na loob huwag mo na 'kong hanapan ng butas
Di pwedeng balewalain, ayokong kalimutan, kausapin mo ako
Huwag mo 'kong talikuran
Di mo matatago sa'kin ang mga bagay na 'to
Kung tama ang hinala, buti pa'y mamatay ako
Nakaluhod ako'y lugmok pero bakit ikaw pa rin
Mahal kita, sabay suntok ng malakas sa salamin
Oh, masaya ka na? Kuntento ka na ba sa iyong ganti
O baka meron pa? Ang sarap damahin ng hapdi
Kailangan kita, pareho lang tayo nasasaktan
Pero sino sa'tin ang hihingi ng kapatawaran?

Bridge:
Alam kong mahirap tanggapin ang katotohanan
Pero mahirap mabuhay sa pagkukunwari
Panlalamig man ang iyong nadarama
Mananatiling ako ay umaasa pa

Chorus:
Nasa'n na ba ang pangako na sinabi mo?
May katuparan ba'ng lahat ng nais ko
Maibabalik pa ba'ng pananabik na dapat sana sa'kin
Nagkulang ba ako o sadyang meron ka na talagang iba?

Rap verse2:
Hindi matutuwid ng mali ang isang pagkakamali
May tamang panahon upang makabangon tayong muli
Inaamin ko sa'yo,minsan na rin akong natisod
Pero ni minsan sa buhay ko, hindi kita nalimot
Tahan na mahal, wag mo nang ibaling sa iba
Pundasyon kong binuo, di hahayaang magiba
Sige na, ako nang umaako ng lahat
Magsimula tayong muli para sa ating anak.

Chorus:
Nasa'n na ba ang pangako na sinabi mo?
May katuparan ba'ng lahat ng nais ko?
Maibabalik pa ba'ng pananabik na dapat sana sa'tin?
Nagkulang ba ako o sadyang meron ka na talagang iba?
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top