"Muni-muni" - Jonex & Sevf (ChillaxMelody) - Video
PUBLISHED:  Dec 05, 2013
DESCRIPTION:
1st Verse:

Hindi ka maalis sa Aking Isip
Masaya kong gumigising sapagkat ikaw ang Aking Panaginip
Ngunit malabo ang Lahat para sa Atin
Antas mo ay naiiba malayo ka Sa akin

Kaya sa Tuwing Ako'y nag-iisa
Wala kong ginawa kundi ang mangarap at isipin ka
alam kong sa Isang Tapek mawawala kanang Bigla
Salamat kahit sandali binigyan mo ko ng Saya

Dahil sa aking muni-muni doon kalang nahahagkan
mga halik na kay tamis doon ko lang natitikman
Mga matang kanais nais doon ko lang natitignan
Pag mamahal mong labis labis doon ko lang nakakamtam

Sa aking Muni-muni ikaw ang syang Ibong Humuhuni
Palihim kong Titig sa iyo palaging Huling Huli
Masakit man naisipin na ito ay Guni-guni
Masaya kong nakasama ka sa aking Muni-muni

Chorus:
Di ko maiwasan, Isipin ang Katulad mo
Na nagbibigay ng Tunay na Pag-Asa
Sa Tulad ko,
Minamahal ko sana'y mabatid mong
Iniisip ka Habang Nag Mumuni-Muni

2nd Verse:
Di ka mawala sa Isip ko
Pati sa Panaginip kong Ito
Di ko man masabi to ,
Alam man ng Puso ko

Damdamin di maamin Dahil na Hihiya Sayo
Para bang Wala nang Bukas pa
Hinihintay na Makasama ka
Tanging Ikaw lang Sa akin nakaLaan

Satin walang nang MakakapagHahadlang
Dahil ikaw lang .... Babaeng iibigin ko
Wala nang Iba, Ika'y nag iisa Dito sa Puso ko
Kahit na pinapangarap lang kita
Nahulog sayo ang Puso ko

Chorus:
Di ko maiwasan, Isipin ang Katulad mo
Na nagbibigay ng Tunay na Pag-Asa
Sa Tulad ko,
Minamahal ko sana'y mabatid mong
Iniisip ka Habang Nag Mumuni-Muni

3rd Verse:

Ako ay Hamak na Taga lupang naghahangad na ika'y maabot
Sa puso kong Sugatan ikaw ang Anghel na Nagpahilom at nakaGamot
Sa Muni-muni kasama kita Kahit nag iisa hindi nababagot
Dahil alam ko na sa Taas ng Antas mo na yan Malabo kitang Mapasagot

Kaya dadahan dahanin ko ang Lahat lahat
Anong daan man Kakayanin ko upang Umangat
Nang sa Ganon Ay makasama ka di lang sa Muni muni
tandaan mo na Sa puso ko ika'y mananatili

Walang ibang Laman ang Puso ko na ito Tanging Ngalan mo lang ang Sigaw
Alam kong darating ang Takdang panahon masayang mag sasama ako at Ikaw
Ikaw ang Landas na Aking tatahakin kaya malabo akong maligaw
Sa dilim ng Aking paglalakbay Ikaw ang syang Gabay at Aking ilaw

Walang ibang Laman ang Puso ko na ito Tanging Ngalan mo lang ang Sigaw
Alam kong darating ang Takdang panahon masayang mag sasama ako at Ikaw
Ikaw ang Landas na Aking tatahakin kaya malabo akong maligaw
Sa dilim ng Aking paglalakbay Ikaw ang syang Gabay at Aking ilaw

Chorus:
Di ko maiwasan, Isipin ang Katulad mo
Na nagbibigay ng Tunay na Pag-Asa
Sa Tulad ko,
Minamahal ko sana'y mabatid mong
Iniisip ka Habang Nag Mumuni-Muni


Walang ibang Laman ang Puso ko na ito Tanging Ngalan mo lang ang Sigaw
Alam kong darating ang Takdang panahon masayang mag sasama ako at Ikaw
Ikaw ang Landas na Aking tatahakin kaya malabo akong maligaw
Sa dilim ng Aking paglalakbay Ikaw ang syang Gabay at Aking ilaw

Walang ibang Laman ang Puso ko na ito Tanging Ngalan mo lang ang Sigaw
Alam kong darating ang Takdang panahon masayang mag sasama ako at Ikaw
Ikaw ang Landas na Aking tatahakin kaya malabo akong maligaw
Sa dilim ng Aking paglalakbay Ikaw ang syang Gabay at Aking ilaw

Masaya kong Nakasama ka sa Aking Muni-muni
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top