Kahit Hindi Tayo - Mcnaszty One, Venice, Curse One (JE BEATS) - Video
PUBLISHED:  Aug 07, 2013
DESCRIPTION:
Kahit hindi tayo by Mcnaszty One, Veniice , Curse One
Produced by Martial Camp Records Ent. 2013



Music & Lyrics: Mcnaszty One , Venice , Curse One
Sound Arrange: Mcnaszty One
Music Instrumental: JE BEATS
Recorded: Martial Camp Records Studio
Ghraphic & Design: Director Drei Sanchez

minsan na kong pinukol ng sakit ng alaala
kahit parang bumubukol ang tamis nung na kasama
1st Verse: Mcnaszty One


ang hirap na sabihin kasi medyo masakit
ang nangyaring di inasahang meron sayong papalit

hanggang sa umabot na sa puntong akoy nag lasing
pinabayaan ang sarili at umasang darating
na naghihintay pero wala kahit na sandali
buti nalang may umalalay, nung pilit na ngumiti

unti unti na nyang nahilom ang sugat saking damdamin
pinaliwanag ang maling direksyon na papunta samin
kung pano nya pinagaling ang sugat na naiwan
kung pano nya pinarecover nung ako'y iniwan

hanggang sa di nag tagal, muli na kong lumigaya
muli nang nanumbalik ang lakas ng paniniwala
na makakahanap pa ko nang mag mamahal sa akin
salamat sa iyo , kahit na hindi ka sakin


________________________________________________________

Chorus: Venice & Mcnaszty One

Kahit na .. Hindi tayo ..
ay palagi kang nandyan
uma'alalay sa tabi ko...

Kahit na .. Hindi tayo ..
palagi mong pinupunasan
ang sakit sa bawat patak
nang luha .. ko ....

________________________________________________________

2nd Verse: Venice

bakit di ko mapigilan ang damdamin ko sayo
maitago ang saya
salamat sa lahat nang pagaalala
pag sinasaktan na nya

ang puso ko ..
na labis na ngungulila
buti nalang pagkat nandyaan kana

ang hirap na aminin
itulak ang dadamin
madalas ko pang
sabihin saiyong
kakayanin

masakit mahapdi na ang nadarama
pinupunan nang ngiti pag kasama ka ..

sanay ikaw nalang
ang syang itinakdang
ang makapiling habang buhay
pero may patlang!

nakakalito ano ba ko sayo
pwede bang sabihin mo

pero salamat sa lahat
iniintindi mo!
________________________________________________________

Chorus: Venice & Mcnaszty One

Kahit na .. Hindi tayo ..
ay palagi kang nandyan
uma'alalay sa tabi ko...

Kahit na .. Hindi tayo ..
palagi mong pinupunasan
ang sakit sa bawat patak
nang luha .. ko ....

________________________________________________________

3rd Verse: Curse One

kahit na gano pa kabigat ang problema ko
ay hindi ka nagkulang, hindi mo nakuhang balewalain
ang isang tulad ko, salamat sayo...
sa laging pagdamay mo sa tuwing
bagsak na bagsak ang aking
damdamdamdam damdamin...
tila ba walang makakasukat ng pang-unawa mo
na hindi mapapalitan ng kahit ano pa man
basta laging nandyan ka lang
di ko alam kung alam kung anong meron sayong pag-ibig,
kahit parang wala namang masyadong
espesyal na namamagitan sating dalawa
basta alam ko lang ako'y lagi mong napapasaya...

________________________________________________________

Chorus: Venice & Mcnaszty One

Kahit na .. Hindi tayo ..
ay palagi kang nandyan
uma'alalay sa tabi ko...

Kahit na .. Hindi tayo ..
palagi mong pinupunasan
ang sakit sa bawat patak
nang luha .. ko ....

________________________________________________________
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top