Kennard Faraon - Wag Kang Umalis (Lyrics in description) - Video
PUBLISHED:  May 15, 2017
DESCRIPTION:
Hindi ka na niya mahal at may iba na siya. Pero gusto mo pa rin na naandiyan siya dahil hindi mo kaya na mawala siya sayo. Sana magustuhan niyo

Listen to more of my songs: www.soundcloud.com/kennardfaraon
Twitter & IG: @kennardfaraon

Lyrics

Pwede pa ba tayo?
kahit di na ako ang laman ng puso
Di ako sumusuko
Kahit na iba na ang kahawak mo
Nakalingon pa rin ako sa kahapon
na tinapos mo
Wala na ba akong magagawa?
CHORUS
Wag kang umalis, kahit hindi ka na akin
Nakikiusap lang
wag kang umalis, di ko kakayanin
na mawalay sa piling mo
Kahit na wala na nga tayong dalawa
Basta wag kang umalis.
II
Di na ba pwede na
ibalik natin sa umpisa?
Noong ika'y masaya,
Pag ako lang ang iyong kasama
Ang dating ngiti saakin ay sa kanya na
Wala na ba akong magagawa?
CHORUS
Wag kang umalis, kahit hindi ka na akin
Nakikiusap lang
wag kang umalis, di ko kakayanin
na mawalay sa piling mo
Kahit na wala na nga tayong dalawa
Basta wag kang umalis
Hinding-hindi ako bibitaw sayo
kahit unti-unti ka nang lumalayo
Hinding-hindi ako bibitaw sayo
Kahit ika'y papalapit na sa kanya
Wag kang umalis, kahit hindi ka na akin
Nakikiusap lang
CHORUS
Wag kang umalis, kahit hindi ka na akin
Nakikiusap lang
wag kang umalis, di ko kakayanin
na mawalay sa piling mo
Wag kang umalis, kahit hindi ka na akin
Nakikiusap lang
wag kang umalis, di ko kakayanin
na mawalay sa piling mo
Kahit na wala na nga tayong dalawa
Kahit na wala na nga tayong dalawa
Basta wag kang umalis
OUTRO
Pwede pa ba tayo?
Kahit di na ako ang laman ng puso
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top