Ako ay Ako - Negatibo ft Smoke One - Video
PUBLISHED:  Jun 21, 2013
DESCRIPTION:
Ako Ay Ako by Negatibo Featuring Smoke One
Produced by Martial Camp Records Ent. 2013

Music & Lyrics: Negatibo / Chorus Part Smoke One & Blingzy One
Sound Arrange: Mcnaszty One
Music Instrumental: 13Th Beats Exclusive
Recorded: Martial Camp Records

AKO AY AKO
by: NEGATIBO ft. SMOKE ONE
I
ako'y makatang matapang at linang sa talatang...
sakin nakaatang at aking iginapang....
tugatog ng pangarap na pilit hinahanap...
ng tulad kong nangarap, hinawi mga ulap....
na kumukubli sa liwanag walang ilaw...
'sing dilim man ng gabi mundo ko nkakasilaw....
sinuway ang magulang na hindi nagkulang....
sa pagmamahal naging magulang sa gulang...
saking murang gulang ay tila laro lang....
mga gawing halang, kahit bilanguan...
muntik maranasan tila patalim tumusok....
aking naranasan tila palalim umusok...
damong sinindihan sa tama ay natindihan...
mga tao sa paligid ko di naintindihan...
kung sino ang ako hindi ikaw kundi ako....
kA nag may alma packet ako ay ako at yun ako....
CHORUS:
Habang hawak ang pangarap, ako'y hindi pipiglas ako'y hindi aatras, ako'y tutungo sa aking landas... kahit na tinatapak tapakan na ng iba, ako ay ako, ako ay ako, ako ay ako, di ako susuko hoh....
II
kasibulan sa larangan, bakas ang kapusukan...
ko sa mga awit ko at ganun kapusok ang...
lathala kong lahad, maling mentalidad...
tulang de kalidad, sa maling realidad...
patong patong ang diniss, sa diss
at may na misinterpret imbis pag usapan ay dumiss,,,
ng agaran, sapagkat nilamon ng dilim...
ang damdaming mariing galit at dilang matalim....
pakisama so sumama nakisama sa kasama...
ng kasama nakisama sa maling pakikisama....
ako'y ginagamit , malimit magamit....
ng mga pekeng tao, lantarang manggagamit....
sa mundong negatibo, ako'y nakakulong....
kahit bawat alulong pasigaw tila bulong...
ang boses, pumalaot man sa bangka...
ay maalon ang karagatang panay talangka....
CHORUS
III
bawat tanong may sago kahit walang paliwanag...
kung walang dilim tiyak wala ring liwanag...
walang nakabangon na hindi nadapa...
walang naka ahon kung hindi nakapa...
ang gahibla na pagasa at walang imposible...
kung paghihirapan ko lahat ay posible...
tagumpay napasakamay tunay na mapalad...
di umasa sa bahala na at guhit ng palad...
ako ang magaling, ang konsepto palage...
sa awit ang kaibahan, yun ako date...
batid ko na panuto, leksyon ng tamang turo...
kung pano ang tumibay buhay mismo aking guro....
winasak ko silid at pader na makapal...
na sa akin sumilid salamat sa maykapal...
nakita ko pagsikat ng araw...
mapanglaw at malabo lahat biglang luminaw kay linaw...
CHORUS 2X
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top