NorthSide Hustlazz - Forever You And I (Delubyo) - Video
PUBLISHED:  Sep 01, 2011
DESCRIPTION:
"A" SONG

LYRICS

VERSE A:

sana maniwala ka sa aking sasabihin/
tapat ako sayo ikaw ay di ko gagamitin/
aaminin ko minsan ako ay may pagkademonyo/
kahit ganun pa man minamahal ka ni delubyo/

magtiwala't maniwala maniwala't magtiwala/
maniwala ka sa akin wag na wag kang maghinala/
pambihirang katangian na sayo natagpuan/
ikaw ang naging payong ko sa panahon ng tag-ulan/

ang ngiti mo para sa'kin makapigil hininga/
hahamakin ko lahat makapiling lang kita/
halika na, dadalhin kita doon sa alapaap/
ikaw ang katuparan ng aking mga pangarap/

Verse B:

binigyan mo ng dahilan upang ako ay manatili/
di ko pinagsisihan na ikaw ang syang napili/
at muli mong binuo aking puso na sira na/
kung maling ibigin ka ayoko na itong itama/

at wala ng hahanapin pa maliban sa iyo/
itinuwid mo ang aking landas na dating baliko/
wala akong pakealam sa kanilang mga komento/
basta't makasama lang kita ako na ay kuntento/

dinisenyo saking buhay ang anghel na tulad mo/
love is blind, pati third eye ko'y nabulag mo/
patunay 'to na sa'yo malinis ang hangarin ko/
kung malayo ka man sa akin, ikaw ay hahanapin ko/ pangako

Verse C:

totoo lahat ng yan, at wala yang halong biro/
sa mga babae di na 'ko nakikihalobilo/
kung sa bagay, ganun ako kapag seryoso na/
di na 'ko lalandi pa sa iba pagkat selosa ka/

nerbyoso pag nandyan ka na, kaba ay di ko mapigilan/
ligaya ang nadarama kapag ikaw ay natitigan/
kusa at hindi lang dahil sa ako ay napilitan/
ayoko ng lumaya kung ang 'yong pag-ibig ang piitan/

di lilisan sapagkat sa'yo ayoko ng mawalay/
ituturing kang prinsesa't ako ang iyong alalay/
di ito ibubulong bagkus ito'y isisigaw/
babae na minamahal walang iba kundi ikaw/ ANA

OFFICIAL FACEBOOK PAGE:
https://www.facebook.com/pages/Northside-Hustlazz-9mm/227157890651310



OFFICIAL SOUNDCLICK ACCOUNT:
http://www.soundclick.com/bands/default.cfm?bandID=1201739&content=music
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top