DB - Kwarto - Video
PUBLISHED:  Aug 06, 2016
DESCRIPTION:
Maraming nag-tatanong kung gumagawa ba ako ng Tagalog tracks at na-realize ko na hindi nga ako masyadong nakakagawa kaya hinamon ko yung sarili ko na magsulat ng 32 kagabi at masaya naman ako at maayos ang kinalabasan. Sana ma-appreciate niyo at SANA magbigay kayo ng inputs sa kung saan pa ako pwedeng mag-improve... bukas ako sa criticism at super nagpapasalamat kung tutulungan niyo pa akong humanep! Haha!

Maraming salamat po sa lahat ng nakinig, at nanood.
Pinagsama-samang mga random clip lang 'to pero sana visually appealing sa inyo kagaya sa'kin. :-)

I DO NOT OWN THE BEAT.

Lyrics/Artist:
https://soundcloud.com/datgirldb

Mixed and mastered by:
Funkatalyst
https://soundcloud.com/fvnkatalyst

LYRICS:

DB - KWARTO

Ang dami kong sikreto pero alam mo yun lahat.
Bumabakat sa bawat sulat at ramdam mo ang bigat
Iba ang aura pag kasama ka, talagang nakadadala
Sa’king pagmulat di masukat ang tuwa sa’king mata.

Magandang umaga, yan ang lagi mong dala.
Hanggang sa mag-umaga, hindi ka pa din nawawala.
Ang katahimikan mo sa’king tenga’y parang musika
Tinuring ka na ka-tungga sa aking kada-paglikha.

Teka, rinig mo ba ang himig ng iyong paligid
Ako yon na nagsasabing sundin mo ang iyong hilig
Handa kitang tanggapin at yakapin sa/aking bisig
Pagdilig sa iyong silid ang iyong pag-gawa ng sining

Sa’yong sarili na akong kasama mo sa pag-tuklas
Sa pagbukas ng iyong diwa, sa’yong lalo nagpalakas
Sa bawat paghampas ng pagsubok nag-iwan ng bakas
At kumalas sa sistemang tinuturing mo batas.

Wag na nga daw magbilang, hayaan ko na lang
Wag na nga daw magbilang, hayaan ko na lang.
Ang mabigat ay gagaan pag may kasamang papasan
Kahit saan man puntahan, pangarap di aatrasan.

Nasaksihan kung pano ka nag eensayo
Naging bukas sa turo ng guro at mga payo
Tinangap mga mali mo’t nagdulot ng positibong
Pagbabago, di malabo na makasabay sa pag-angat ng lobo.

Hindi lang to kahon, ito’y sariling dimensyon
At bawat oras ng ngayon ay buhat ng inspirasyon
Na konektado ang lahat at walang limitasyon
Sa kalahatan ng pangkat ng mga narito ngayon.

Salamat at sumama ka sa aking mga balak
Sa pagtahak at paghatak mo sa gubat na malawak
At sa ulap parang bulak ang bagsak pag napahamak
Alam kong ika’y liwanag at kamay mo’y laging hawak.
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top