letra ng pag-ibig - sistemang makata.wmv - Video
PUBLISHED:  Aug 15, 2010
DESCRIPTION:
( ivler )
D-umating ka sa buhay ko ng di ko inaasahan
I-tinagong nadarama baka sayo walang asahan
A-nghel na hulog ka ng langit sadyang kaakit-akit
N-ang makilala kita sa diyos nanalig at lumapit
E-wan ko ba anung meron ka at natanong kung bakit
D-amdamin di matago kahit anung gawin kong pilit
I-kaw na nga marahil ang tunay kong pag-ibig
N-a iingatan hanggang sa huling patak ng tubig
G-antimpala ka ng may kapal na sakin ibinigay
L-apgpasan natin ang pagsubok na magkahawak ang kamay
A-t kung muling pumatak ang luha mo sayong mata
S-asaluhin lahat na yan di ka iiwang mag-isa
A-numang pangarap ko sa buhay ikaw ang tagumpay
N-a kasama ko ngayon sana ay panghabang-buhay
K-ung hindi matutupad ang puso ko ay bibigay
O-h! ang pag-ibig nga naman, bakit nakakamatay.


Mula nang dumating ka sa piling ko sinta,
Buhay kong ito.. binigyan mo nang sigla ..
Pangako sa iyo akoy hindi magbabago,
pangalan mo lang ang pintig nang puso ko ...


( boszy )
K-aligayahan at pangarap kong mapasa-akin ka
I-kaw lang ang tanging dasal ko na mapangasawa ka
M-araming beses mang lumuha dahil sa mga pagsubok
B-inibigkas ka ng bibig maging sa paglunok
E-wan ko ba kung ba kapag wala ka tila dismayado
R-elax agad ako pagnatanaw na ang ngiti mo
L-agi mong tatandaan mahal kita't di ka iiwan
Y-an ang salitang alam ko't di ko bibitawan
A-t makaka-asa kang mabibigyan ng katuparan
N-a mabuo ang masayang pamilya at tahanan
T-atayo akong ama! para sa ating anak
I-sang asawang matapat at luha mo'y di papatak
P-alagi mo kong kasama, sa lungkot at ligaya
O-ras ko'y itutuon sa iyo lamang sinta
L-iham na sinulat ko ng buong puso sa papel
O-h mahal, binigyan mo ng langit ang tusong anghel




Mula nang dumating ka sa piling ko sinta,
Buhay kong ito.. binigyan mo nang sigla ..
Pangako sa iyo akoy hindi magbabago,
pangalan mo lang ang pintig nang puso ko ...


( omeng )
A-raw araw, gusto koy lagi kang nakakasama
R-amdam ko ang lungkot kapag hindi ka nakikita
L-ove story natin, sanay wala nang suliranin
E-dad may tumanda sanay lagi mong iisipin
N-a akoy nandirito at laging ikaw ang
E-strelya ng aking buhay kaya di ko magawang
D-ahan dahanin ang pag sabi ng mahal na kita
E-xagge ako sa pag banggit kung anu ba talaga
L-aman ng puso at isipan, para to sa iyo
A-lam mo bang di ka iiwan pangako sa iyo
C-ertified mapagmahal at maaruga
E-asily mapagparaya pero di nagpapaduga
R-espeto ay buong buo na sayoy ibibigay
N-i hindi ka gagalusan o magkakaron ng latay
A-t dahil ako ay, seryoso at tapat
H-anda ring ibigay saiyo lahat lahat



Mula nang dumating ka sa piling ko sinta,
Buhay kong ito.. binigyan mo nang sigla ..
Pangako sa iyo akoy hindi magbabago,
pangalan mo lang ang pintig nang puso ko ...


Mula nang dumating ka sa piling ko sinta,
Buhay kong ito.. binigyan mo nang sigla ..
Pangako sa iyo akoy hindi magbabago,
pangalan mo lang ang pintig nang puso ko ...
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top