Balikloob - Cedrix & Abaddon (With Lyrics) - Video
PUBLISHED:  Jun 15, 2013
DESCRIPTION:
Balikloob - Cedrix & Abaddon
Recorded at: Planta Musika Recording Studio
Abaddon:
Facebook: http://www.facebook.com/pages/Abaddon-AKA-Django-Balawis/10150125133385034?fref=ts
Twitter & Instagram: @Abaddonity

Cedrix:
Facebook: http://www.facebook.com/cedrix.cantones?fref=ts

Chorus:

Kung pakiramdam mo'y
Kalaban mo ang mundo
At ang takbo ng isip mo'y
Gulong gulo
Mabuti pang lumapit ka sa kanya
Magbalik loob ka't
Muling ibigin siya

1st Verse:

Hindi ganon
At lalong wag na wag yung ganito
Kung may problema kang dinadala
Wag kang malito
Wag mong sayangin ang yong' buhay
Lalong wag mong isugal
Hindi sagot ang magwala ka
O magpatiwakal
Wag kang matakot na subukan
Ano man ang siyang malaman
Ganyan lamang talaga
kaylangan munang masaktan
Bago dapuan ng ngiti
At sumaya ang ating labi
Kasama na sa buhay mo
Ang mga pighati
Ang mabigo at masaktan
Sa buhay mo'y iyong asahan
Di' pepwedeng matamo
Palagi ang kaligayahan
Ganon pa man
Kaylangang maging matatag
Humanda sa pagsubok
Na sayo'y ilalalapag
Magtimpi at magtiis
Patuloy lamang na umasa
Patunayan sa sarili mong
Isa kang dalubhasang
Manlalakbay na di kayang
pabagsakin
Ipakita sa mundo
Na meron kang mararating

Chorus:

Kung pakiramdam mo'y
Kalaban mo ang mundo
At ang takbo ng isip mo'y
Gulong gulo
Mabuti pang lumapit ka sa kanya
Magbalik loob ka't
Muling ibigin siya

2nd verse:

Ang buhay ay mistulang putik na walang kulay
Pag walang dusa na dumaan
Tunay na kalungkutan
At luha ang dulot ng pusong sugatan
Pero ayos lang yan ang mahalaga'y
Patuloy kang humihinga't
Sumasabay sa hamon na ibinigay kahapon
Ang mga paang nahapo
At pangarap na natapon
Kung napatid ka sa alon
Ay muli ka ring babangon
Sa tulong nang pusong taos at puspos
Na umiibig sa diyos nang lubos
Sa pag gulong mo ay may galos man
Matatapos din ang pagsubok
Sayo na tila unos
Ubos biyaya man wag kang magdamdam
Baka hindi mo siya mahal
Kaya ka nagkaganyan
Minsan talaga'y parang
Pinaglalaruan ka na lang
Pero wag kang mag alala
Sinusubukan ka lang

Chorus:

Kung pakiramdam mo'y
Kalaban mo ang mundo
At ang takbo ng isip mo'y
Gulong gulo
Mabuti pang lumapit ka sa kanya
Magbalik loob ka't
Muling ibigin siya

3rd Verse:

Hindi na ba maayos
At nagkakanda malas malas
Ang buhay mo'y parang bansang
Walang maganda na batas
Panahon na para 'labas mo ang
Nag iisang alas
Pagdikitin ang dalawang palad
Dumulog ka sa taas
Dahil siya lang ang malakas
Na yong' makakaagapay
sa mga sandaling parang
Nag gagapas ka ng palay
Sobrang hirap mistulang
Ang dibdib mo ay inaanay
Buksan ang pintuan
At patuluyin siya sayong bahay

Kaya't halip na magmukmok
At panghinaan ng loob
Bagkos kumilos ka't pawiin
Ang mga maling kutob
Pilitin na mangyare
Mga bagay na imposible
Wag hayaan na ang takot
Maghari sa'yong sarili
Makinig ka't lawakan
Ang yong' pang unawa
Nang sa ganon di' ka
Magmumukhang kawawa
Isa alang alang ang iyong
Mga mithiin
Tibayan ang loob at
Dagdangan ng panalangin

Repeat Chorus 2X

Chorus:

Kung pakiramdam mo'y
Kalaban mo ang mundo
At ang takbo ng isip mo'y
Gulong gulo
Mabuti pang lumapit ka sa kanya
Magbalik loob ka't
Muling ibigin siya

-END-
follow us on Twitter      Contact      Privacy Policy      Terms of Service
Copyright © BANDMINE // All Right Reserved
Return to top